Advertisers
NAPAGKASUNDUAN ng karamihang mga alkalde sa Metro Manila na palawigin pa ang general community quarantine (GCQ) simula sa buwan ng Agosto.
Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang chairman ng Metro Manila Council, na ipinarating na nila ang nasabing consensus nila sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Bukod pa rito ay isinusulong din nila ang pagkakaroon ng localized lockdown na siyang magiging epektibo umano para hindi na kumalat pa ang coronavirus.
Mahalaga aniya na balansehin ng gobyerno ang pagbubukas ng ekonomiya at ang paglaban sa COVID-19.
Sakaling magdesisyon ang national governement na bumalik sa enhanced community quarantine o ECQ ay kanila itong irerespeto at sakaling mananatili naman sa GCQ ay magpapatupad sila ng mas mahigpit na implementasyon ng health protocols gaya ng pagsusuot ng facemask, physical distancing at pagpatupad ng curfew.