Advertisers
UNTI-unti nang bumabalik sa aksiyon ang larangan ng sports sa mundo na temporaryong nahinto sa kasagsagan ng outbreak ng coronavirus pandemic.
Sa pagluwag ng community quarantine partikular sa Metro Manila, pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force ang ilang sports na individual maging ibang team sports na makapag-ensayo na ayon sa ipinapatupad na guidelines at heath protocol ng ahensiya.
“I hope that the government can start reviewing the guidelines of our sport already kahit training lang po muna with proper safety gear while observing health protocol,” panawagan ni Gary Ejercito na manlalaro sa larangan ng baseball bilang national player ng Philippine Amateur Baseball Association (PABA) at commercial player ng Baseball Philippines bukod sa pagiging team owner ng softball squad na San Antonio, Quezon batters, sikat na aktor at naging Board Member ng Lalawigan ng Quezon.
Optimistiko naman ang Japanese national-Philippine based Keiji Katayama na bibigyan na ng go signal ng IATF ang larangan ng baseball sa bansa upang ma-kapagpatuloy na ng ensayo ang national team na nakaginto noong naka-raang 30 th Southeast Asian Games Philippines 2019 kung saan ay kabilang siya sa coaching staff ng kampeong Pilipinas.
“Hope we can resume our training this month of August as preparation for our future international competitions,” sambit ng dating baseball varsity player sa kanyang bansang Japan bago natoka sa bansa bilang executive ng isang multi- national company sa Muntinlupa City na si Keiji Katayama. Siya ay naglaro rin sa Baseball Philippines sa koponang Manila bago naging deputy coach/ consultant ng baseball team ng University of the Philippines Maroons sa UAAP. Si Keiji rin ang team owner ng KBA Stars at founder ng Katayama Basebal/ Softball Academy Philippines.
Samantalang ang mga baseball power sa Asia maging sa mundo na Japan at South Korea ay magbubukas na ng kanilang liga na may live audience na senyales ng paghataw muli ng baseball actions na numero unong pastime sport ng mga naturang bansa. (Danny Simon)