Advertisers

Advertisers

Kris tuloy na ang naudlot na talk show sa TV5

0 308

Advertisers

WALANG pagsidlan ng tuwa si Kris Aquino matapos ang naudlot na pagbabalik-telebisyon.

Finally, dream come true na ito sa mudra nina Josh at Bimby na masilayan muli ang kanilang mother sa TV.

Ilang beses na nga nagtangka na magbalik talk show si Kris, at this is it na nga raw.



Answered prayer naman ang pagbabalik talk show nitong si Kris.

Yes, matagal na usap-usapan ang pagbabalik TV ni Kris at isa ang TV 5 sa napipisil nitong comeback. Pero lagi na lang may hadlang at ngayon na nag-photo shoot na ito sa TV5 eh start na nga raw ulit ang hosting job ni Kris.

Happy naman ito sa pag-welcome sa kanya ni Raffy Tulfo sa pagtungtong sa Kapatid network.

Nagulo ang nasabing himpilan kaya naman marami ang nagpa-selfie dito nagulat ang lahat ng empleyado na belong na sa Kapatid network, ang Kris.

Bagong tema naman ang TV show na gagawin nitong si Kris sa TV5 na may titulong “Lovelife with Kris” na now lang siya nagkaroon ng ganitong konsepto na programa.



Tuwang-tuwa naman ang kanyang followers sa pagbabalik talk show nito sa Singko.

***

BARBIE FORTEZA NAKA-TRACK ANG CELFON NG SYOTANG SI JAK ROBERTO KAYA KAMPANTE NA WALANG TSIKS

WALA raw dapat ipagselos si Barbie Forteza sa dyowaer na si Jak Roberto.

Kasi ba naman eh naka-track ang cellphone nito kay Barbie Forteza.

Kaya naman pagmamalaki na sabi ni Jak na walang dapat ipagselos si Barbie sa kanya.

All text at incoming call eh trace ni Barbie kaya naman kampante lang ito sa kung saang lupalop man ito makarating.

Kaya kahit flirt flirt eh di ubra sa cellphone o socmed ni Jak kundi huli.

Sa nakikita naman ng netizen love ng couple ang bawa’t isa kaya mas nananaig sa dalawa ang pagmamahal sa isa’t isa.

Wala raw dapat pagselosan ang bawa’t isa dahil na rin sa true love na nananaig sa dalawa.

Well, well, well…’Yun na! – (Jovi Lloza)