Advertisers

Advertisers

July 31, regular holiday dahil sa Eid’l Adha

0 258

Advertisers

IDINEKLARA ng Malakanyang ang July 31 bilang isang regular holiday para gunitain ang Eid Al-Adha sa buong bansa.
Sa isang statement ni presidential spokesperson Harry Roque, inilabas ang pagdedeklara sa pamamagitan ng proclamation 985.
Ang Eid’l Adha ay ginugunita ng mga kapatid natin Muslim sa pagsasakripisyo ng kanilang propetang si Ibrahim na pumayag isakripisyo ang kanyang anak bilang pagsunod sa utos ni Allah.
Naging gawi na sa paggunita ang pagsasagawa ng sakripisyo ng ilang hayop tulad ng sheep, cows, goats, buffalos o camels at pagdarasal ng Eid prayers. (Vanz Fernandez)