Advertisers

Advertisers

Inutil si Pangulong Rody Duterte

0 314

Advertisers

DALAWANG beses nang inamin ni Pangulong Rody Duterte na inutil siya.

Una niyang sinabi sa isang pulong nila ng mga pangunahing opisyal ng Inter-Agency Task Force kontra coronavirus disease 2019 (COVID ‘19) na naging inutil na siya dahil sa mapamuksang virus na ito na nagpabagsak sa ekonomiya ng mundo partikular sa mga bansang may pandemya pa hanggang ngayon ka-tulad ng Pilipinas.

Sunod na inamin ng pangulo ang pagka-inutil niya sa isyu ng West Philippine Sea laban sa China.



Wala raw siyang magagawa, inutil siya pagdating sa China. Kasi wala naman daw laban ang sandatahang lakas ng Pilipinas sa China. Kaya kanila nalang daw ang kinakamkam nitong property sa WPS. Tsk tsk tsk…

Naging honest lang dito si Pangulong Digong. Hehehe…

Pero hindi ito naging maganda sa pandinig ng ilang mambabatas lalo sa mga kritiko ng administrasyon.

Sabi ni Senador Richard Gordon, ang tserman ng Senate Blue Ribbon Committee, na kinakitaan noon ng pagpanig sa administrasyon, bakit tila sobrang bahag daw ang buntot at laging nagmamakaawa si Pangulong Duterte pagdating sa China? Why oh why???

Bakit daw laging sa China umaasa ng vaccine kontra Covid si Pangulong Duterte gayung ilang malalaking bansa na ang nagsu-subok sa kanilang nabuong vaccine kontra Covid.



Aniya, dapat tumingin din si Duterte sa ibang bansa na nasa clinical trial narin ang nadiskubreng gamot.

Hindi rin sang-ayon ang marami sa pagsuko ni Pangulong Duterte ng ating mga isla sa West Philippine Sea sa China.

Ang maraming isla sa WPS ay nasa sakop ng mapa ng Pilipinas. Ang iba ay sa Vietnam at Malaysia. Napanalunan natin ang kasong ito sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) noong administrasyon ni Noynoy Aquino.

Sabi ni retired Supreme Court Sr. Associate Justice Antonio Carpio, isa sa mga nagdepensa sa WPS laban sa pananakop ng China, dapat gayahin ni Pangulong Duterte ang Vietnam at Malaysia na hindi natitinag sa pambu-bully ng China. Mismo!

Hindi aniya porke napakalakas ang armas ng China ay dapat na itong katakutan. Hindi naman aniya tayo makikipaggiyera, kundi may ibang paraan naman para hindi isuko sa China ang ating mga isla sa WPS na mayaman sa langis at yamang-dagat.

Bakit nga ba nagpapakainutil si Pangulong Duterte pagdating sa China at napakalakas mam-bully laban sa ibang malalaking bansa tulad ng Amerika?

Kung tutuusin, kamuhi-muhi na ang Chinese. Bakit? Napakaraming sakit ng ulo ang ibinigay nila sa ating gobyerno ngayon. Ang shabu nila, sa ating bansa ikinakalat! Ang mga iligalistang Chinese, sa ating bansa nagtatago. Ang mga pasugal nila, sa Pilipinas naka-base tulad ng POGO. At ang pinakamalupit… karamihan ng nakamamatay na virus ay made in China tulad nitong COVID 19. Fuck!

***

Tweet ni Senador Kiko Pangilinan: “Meron naman magandang nabanggit na mga proyekto sa SONA tulad ng NLEX, Harbor Link, Segment 10, NLEX-SLEX Connector Road Project, Cavite-Laguna Expressway (CALAX), Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) at Metro Manila Skyway Stage 3.

Lahat ng nabanggit ay naaprubahan at naumpisahan nung panahon pa ni Pangulong Aquino (Noynoy). Yung naaprubahan ng Administrasyong Duterte after 4 years, kelan kaya mauum-pisahan?”

Ayan! Maliwanag… mga suki, mga DDS, ang mga proyektong pinasisinayaan ngayon ng DPWH ay mga programa pa ‘yan ng nakaraang administrasyon.

Ang mga programa ng Duterte administration under Build! Build! Build! ay na-Covid -19. Sayang!