Advertisers

Advertisers

Busy Weekend sa Sports World

0 332

Advertisers

Ngayong araw ang opisyal na reopening ng National Basketball Association (NBA) sa Disney World sa Orlando, Florida.

Mapalad tayong mga basketball fans dito sa Pilipinas sapagkat muli nating masasaksihan ang mga laro araw-araw sa ating telebisyon sa pamamagitan ng NBA TV sa Cignal, One Sports at TV5.

Ang mga laro sa restart na ito ng NBA ay tinatawag na “seeding games” dahil ito ang magdedetermina sa seeding ng mga teams sa playoffs. Dala pa rin nila ang kanilang mga records before the cancellation of games dahil sa coronavirus.



Nakakatuwa na may dalawang channels (One Sports at TV5) tayo sa free TV na magpapalabas ng mga laro sa NBA. Sigurado kasi tayo na maraming nagpatanggal ng Cignal noong nawala ang NBA sa kanila bago magsimula ang season.

Sa “seeding games” at first two rounds ng playoffs ay select games lang ang mapapanood sa One Sports at TV5, pero pagdating ng conference finals ay lahat na ng laro ang ipapalabas sa mga nasabing channels.

Pagdating naman ng NBA Finals ay exclusive sa TV5 mapapanood sa free TV ang mga laro. Mas maganda pa rin siyempre kapag may cable ka dahil mula simula hanggang dulo ay may aksiyon kang mapapanood through NBA TV.

***

Hindi lang ang reopening ng NBA ang ating susubaybayan ngayong weekend. This coming Sunday ay tatangkain ni Lewis Hamilton na makuha ang ikatlong sunod na race win sa pagpapatuloy ng Formula 1 season.



Ito bale ang home race ni Hamilton – ang Bri-tish Grand Prix na anim na beses na niyang napanalunan, kasing dami ng kanyang world title.

Barring unforeseen events, mukhang mapapantayan na ni Hamilton ang record ni Michael Schumacher na seven world championships ngayong taon. Bukod kasi sa mas bumilis ang Mercedes ay tila bumagal naman ang mga perennial contenders na Ferrari at Red Bull.

Mismong si Sebastian Vetttel na ng Ferrari ang nagsabi na tanging ang teammate na lang ni Hamilton na si Valtteri Bottas ang puwedeng makapigil sa pagmartsa nito tungo sa ikapitong world title.

Ibabahagi natin sa inyo ang mga highlights sa reopening ng NBA at sa British GP sa ating kolum sa susunod na linggo.