Advertisers
PATAY ang isa katao habang 2 ang sugatan makaraang hagisan ng granada ang kanilang bahay habang mahimbing na natutulog ang mga biktima sa Zamboaga City.
Nakilala ang nasawi na si Radzkil Assari. Nilalapatan naman ng lunas sa Zamboanga City Medical Center sina Mohammad Jainal Ammad, legal age; at Ersad Asari, pawang taga- Brgy Bunguiao, Zamboanga City.
Ayon sa ulat, 2:00 ng madaling nang maganap ang pagsabog sa Sitio Baluno, Brgy. Bunguiao.
Mahimbing na natutulog ang mga biktima nang hagisan ng granada ang kanilang tahanan ng di nakilalang salarin.
Hinala naman ng mga otoridad, personal at matagal nang alitan ang motibo ng krimen. (Mark Obleada)