Advertisers

Advertisers

48 LSIs sa Rizal Stadium may COVID-19

0 310

Advertisers

UMABOT na sa 48 locally stranded individuals (LSIs) na namalagi sa Rizal Memorial Stadium sa Vito Cruz, Manila ang nagpositibo sa rapid test sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dahil dito, isinilalim sa isang araw na lockdown ang stadium para sa decontamination o disinfection.
Matatandaan na umabot sa libu-libong LSIs ang dumagsa sa stadium sa layong makapagpa-rapid test at makauwi na sa kani-kanilang probinsiya.
Sa tulong ng “Hatid Tulong” program ng gobyerno ay unti-unting naihatid ang mga LSI sa kani-kanilang mga probinsya sa pamamagitan ng mga barko at bus ng Philipine Coast Guard (PCG).
Ayon kay Asec. Joseph Encabo, organizer ng Hatid Tulong Program, kabilang sa sasailalim sa decontamination ang buong complex kabilang ang baseball at track stadium.
Sa ngayon, wala nang LSIs sa stadium, matapos makaalis narin ang huling batch na nasa 1,017 Huwebes ng umaga pauwing Zamboanga Peninsula.
Maging ang mga empleyado ng Philippine Sports Commission sa complex at personnel ng Manila Department of Public Services (DPS) ng Manila ay kailangan din munang lisanin ang lugar para sa gagawing sanitation.
Naghihintay pa ng resulta ng kanilang swab test ang mga nagpositibo sa rapid anti-body test. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)