Advertisers

Advertisers

38,075 BAGONG GUMALING SA COVID-19: ACTIVE CASES 22,327 NALANG!

0 359

Advertisers

UMAKYAT na sa 89,374 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 3,954 na mga bagong kaso virus infection.
Sa bilang na ito, 1,320 ang fresh cases habang 2,634 ang late cases.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula parin sa National Capital Region na umabot sa 1,703 new cases.
Sinundan ng Cebu na may 958 new cases,
Laguna na may 177 new cases, Rizal na may 90 new cases, at Cavite na may 87 new cases.
Nakapagtala naman ang DOH ng 38 075 na bagong naitalang nakarekober mula sa virus.
Ito na ang pinakamataas na bilang ng nakarekober mula sa sakit na iniulat ng DOH.
Dahil dito aabot na ngayon sa 65 064 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa covid 19 sa bansa.
May 23 naman ang naitalang nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa 23 na nasawi, 19 ay namatay ngayong Hulyo, 3 noong Hunyo, at 1 noong Abril.
Sa ngayon, umakyat na sa 1,983 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa covid 19.
May 66 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid 19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)