Advertisers

Advertisers

3 Kadete sangkot sa Formitorio hazing ipinasok na sa Baguio City Jail

0 323

Advertisers

INILIPAT na sa Baguio City Jail ang tatlong kadete ng Philippine Military Academy o PMA na sangkot sa hazing-patay kay 4th cadet class Darwin Dormitorio.
Kasunod ito ng kautusan ni Baguio Regional Trial Court Branch 5 Presiding Judge Maria Ligaya Itliong-Rivera.
Sa kanyang kautusan, sina PMA 3rd class cadets Shalimar Imperial, Felix Lumbag at Julius Tadena ay pinalilipat sa Baguio City Jail habang wala pang desisyon ang korte sa mosyong inihain ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Nahaharap sa kasong ‘Murder’ sina Imperial at Lumbag, habang si Tadena ay kinasuhan ng hazing at less serious physical injuries.
Nauna nang umapela ang AFP sa korte na mapanatili sa kanilang kustodiya ang tatlong nabanggit na PMA cadets.
Pinagsusumite naman ng Baguio RTC Branch 5 ang prosekusyon ng komento sa mosyon ng AFP kungsaan binigyan ng deadline ng hanggang 8:00 ng umaga ng July 30.
Setyemre 18, 2019 nang masawi si Dormitorio, 20, dahil sa tinamong mga pasa at bugbog sa katawan dulot ng matinding hazing.(Jocelyn Domenden)