Advertisers
MAHIGPIT ngayon ang pangangailangan ng mga titser ng bond papers para sa pag-print ng modules na ipamamahagi sa mga estudyante sa pagsisimula ng “online class” sa Agosto 24 ng taon.
Kaya naman lumapit ang inyong lingkod sa ilang kaibigan na-ting opisyal ng gobierno at negosyante para matulungan ang mga guro sa kailangan nilang bond papers.
Si Senador Grace Poe, na hinihiritan ko kada taon para sa pamamahagi ng school supplies, ay nagkaloob ng 30 reams ng bond papers.
Nakalabit ko rin si Presidential Communications Operation Office (PCOO) Martin Andanar na nagbigay din ng 30 reams. Si Boss Martin ay kada taon ko rin nahihingan ng tulong sa pa-mamahagi ng school supplies.
Ang National Press Club (NPC), pinakamalaki at pinakamatandang samahan ng mga mamamahayag sa buong bansa, ay nagbi-gay din ng 30 reams. Thanks, mga bro!
At ang publisher ng Hataw, national daily tabloid, na si kumpareng Jerry Yap ay nagbigay din ng 30 reams.
Nagdagdag naman ang inyong lingkod ng 50 reams. Kaya nakaipon ako ng kabuuang 170 reams. Ito’y ipamamahagi ko sa mga eskuelahan sa barangays na hindi pa abot ng internet sa ilang bayan ng Tablas island, Romblon.
Ito’y ang mga sumusunod: Bgys. Guintigbasan, Guinbirayan (kabilang na ang sitio Puro), Danao Sur, Danao Norte, Magsaysay, Tabugon (kabilang ang sitio Guinpoingan), Agmanic, Pandan, Mat-i at sa Poblacion Sta. Fe; Looc town Nat’l High School at sa 2 barangays ng Alcantara town.
Again… many many thanks kina Sen. Poe, Sec. Andanar, NPC at Mr. Yap. Mabuhay!!!
***
Tadtad ng mga negatibong puna ang naging 5th SONA ni Pangulong Rody Duterte nung Lunes, Hulyo 27.
Tweet ni ex-Congressman Erin Tanada: Nakalimutan ni PDu30 na hinihintay ng mga taga-Lanao ay ang update sa Marawi Reconstruction. Sa Oct. 2020 ay 3rd yr pagkatapos ng gera at hanggang ngayon hindi pa nakakauwi ang mga residente. Nasaan ang malasakit para makauwi ang mga residente? May plano ba? #SONAgKAISA
– Ex-Sen. Antonio Trillanes: Marami pang pasakalye, Duterte just wants HIS 3rd Telco to get a free ride on the cell towers built by Smart and Globe. That’s why he is now shaking down MVP and Ayala.
Gusto ng Davao group na laway lang ang kapital nila, may telco na sila. #SONA2020
– Sen. Kiko Pangilinan: Covid, gutom at walang trabaho ng milyon milyon ang matinding problema, death penalty ang isinusulong. Yan ang State of the Nation.
– Congressman Kit Belmonte: Akala ko talaga virus ang kalaban.
– Ex-Sen. JV Ejercito: Sayang akala ko tapos na ang China pivot.
Amin parin ang West Philippine Sea.
Was hoping to hear just 2 things during SONA, a clear cut plan on how government plans to contain COVID cases
– Sen. Sherwin Gatchalian: Hindi ako komportable na i-take over ng gobyerno (ang telecommunication services) dahil ang gobyerno alam na natin na hindi magaling na operator at manager.
Reaksiyon ito ng Gatchalian sa banta ni Pangulong Duterte na i-take over ang Smart at Globe kapag hindi pa inigihan ang mga serbisyo nito hanggang Disyembre.
Para naman kay Senador Bong Go, nailatag ng maliwanag ni Pangulong Duterte ang mga plano nito para sa huling dalawang taon ng kanyang termino.
Sabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque, “9” ang grado ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA.
Say n’yo, mga pare’t mare?