Advertisers

Advertisers

PH HOSTING NG AIMAG PRAYORIDAD ISULONG NI POC PREXY ‘BAMBOL’

0 352

Advertisers

ISANG higanteng kaganapan para sa bansa ang maging punong-abala ng prestihiyosong Asian International Martial Arts Games (AIMAG) na isinusulong ng Philipine Olympic Committee (POC) katuwang ang Philippine Sports Commission ( PSC).

Ito ang patuloy na isusulong ni POC President Rep. Abraham ‘Bambol Tolentino na optimistikong maaprubahan ito ng administrasyon para sa pambansang karangalan.

Matapos na maging dambuhalang tagumpay ng hosting ng 30th Southeast Asian Games Philippines 2019, isang mas malaking hamon ang napipinto sa hosting ng Asian Games ngunit dahil sa outbreak ng pandemya ay isa na ito sa mga mahalagang kaganapang maisasantabi.



Ipinunto ng Mambabatas mula 8th District ng Cavite na lubhang magastos ang Asiad at mayroon namang ibang opsyon na puwedeng mag-host ang Pilipinas na kasing-kinang sa antas at prestihiyo ng Asian Games na di masyadong magastos, kaya at may ROI( return of investments)- ang Asian International Martial Arts Games (AIMAG) na tiyak ns lalahukan di lamang ng mga taga-Asia kundi mula sa ibang panig ng mundo.

“Mas okey na ang AIMAG kaysa sa Asian Games hosting na sadyang mabigat pang isulong partikular sa aspeto ng pondo samantalang less expensive ang martial arts games” , ani Tolentino na pangulo din ng Phil Cycling.

Matatandaang nag-overall champion ang Pilipinas sa nakaraang taong hosting ng 30th Southeast Asian Games Philippines 2019

Inaasahang iaanunsiyo ng PH AIMAG organizing committee ang takdang petsa matapos ang formal na bidding sa Bangkok, Thailand sa susunod na taon.(Danny Simon)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">