Advertisers
LAGUNA – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng limang gunmen ang isang negosyante sa loob ng kanyang bilyaran sa Barangay Maytalang , Lumban sa lalawigang ito Martes ng gabi, Hulyo 28.
Base sa inisyal na ulat ni Police Capt. Fernando Credo, hepe ng pulisya, nakilala ang biktima na si Rexon Ruperto, 41, may asawa, ng naturang barangay.
Sa report, 9:30 ng gabi habang nasa loob ng kanyang billiard hall ang biktima nang sumulpot ang limang lalaki na lulan ng tatlong motorsiklo at pinagbabaril ang biktima.
Pagkatapos ng pamamaril, mabilis na tumakas ang mga salarin patungo ng bayan ng Kalayaan, habang ang biktima ay iniwang nakabulagta sa semento, tadtad ng mga tama ng bala ang ulo at katawan mula sa kalibre .45 at 9mm na barill.
Sa talaan ng pulisya, nabatid na dating nasangkot sa pagtutulak ng droga ang biktima kungsaan naaresto ito at sinampahan ng kaukulang kaso. (Dick Garay)