Advertisers
PINAGHAHANAP ngayon ng mga pulis ang isang ina ng walong buwan na sanggol na iniwang walang buhay sa likod ng bahay sa Lago Village Capisnon, Barangay Kauswagan,Cagayan de Oro.
Sinabi ni Carmen Police Station Commander, Major Jelises Teves, na walang kahit isa ang gusto lumutang para sana makapagturo sa tunay na pagkakakilanlan sa magulang ng sanggol.
Ayon kay Major Teves, kanila ring iimbestigahan kung sinadya bang patayin ng ina ang kanyang sariling anak upang mapanagot sa ginawa nitong krimen.(PTF team)