Advertisers

Advertisers

FREE WALK-IN COVID TESTING CENTER SA MAYNILA, 3 NA – ISKO

0 302

Advertisers

TATLO na ang libreng walk-in COVID testing center sa Maynila makaraang pormal na buksan ito nina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna sa ikatlong distritong ospital ng Justice Abad Santos General Hospital (JASGEN), Miyerkules ng umaga, July 29 . Kasama sa inagurasyon ng ikatlong walk-in test center si JASGEN Director Dr. Merle Sacdalan.

Noong isang linggo ay binuksan nina Moreno at Lacuna ang parehong walk-in test center sa Ospital ng Sampaloc (OSSAM) sa ika-4 na distrito sa ilalim ni Dr. Aileen Lacsamana at sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) sa ilalim ni Dr. Ted Martin.

Nagpahayag ng pasasalamat si Dr. Sacdalan kina Moreno at Lacuna dahil pinili nito ang JASGEN na tumanggap ng Architect i2000SR machine na may double load capacity. Samantalang ang mga makina sa OSSAM at GABMMC ay Architect i1000SR. Ang lahat ng mga nasabing makina ay may 99.6 percent specificity at 100 sensitivity.



Bukod pa dito ay ipinaliwanag ni Sacdalan na ang mga bagong makina at gumagamit ng ‘serology’ at may katanggap-tanggap na resulta, di tulad ng ordinaryong rapid test kits na karaniwan na ang ‘false negative’ o ‘false positive’ bilang resulta.

Ang pagbubukas ng ikatlong walk-in testing center sa JASGEN ay bilang pagtupad sa pangako ng alkalde na maglagay ng test center sa bawat isang city-run hospitals.

Tiniyak naman ni Sacdalan na sa mga magpapasuri sa kanilang walk-in center ay walang dapat na ipangamba na mahawa sa mga COVID patients na ginagamot sa ospital, dahil malayo ang lokasyon ng nasabing test center sa mismong ospital.

Ang JASGEN walk-in center ay kayang sumuri ng 100 katao kada araw mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Ito ay first come, first serve basis. (ANDI GARCIA/ photo by JERRY S. TAN)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">