Advertisers
I am a firm believer in the people. If given the truth, they can be depended upon to meet any national crisis. The great point is to bring them the real facts, and beer. — Abraham Lincoln
PASAKALYE
Nagdiwang ang aking inang si TERESITA PACHECO GRAHAM ng kanyang ika-91 taong kaarawan nitong Hulyo 29. Siguro ay bibihira na ang sinuman sa atin na makakaabot sa ganitong edad dahil na rin sa ating kapabayaan sa pangangalaga ng ating kalusugan. Sa ganang akin, dahil sa may gulang na rin po ang inyong lingkod sa edad na 64 sa nalalapit na Disyembre, mainam na iniiwasan ko na po ngayon ang dati kong gawi sa pag-inom ng alak at pagpupuyat dahil sa iba’t ibang mga aktibidad panglipunan.
* * *
MARAHIL ay tama si House Speaker ALAN PETER CAYETANO sa pagdepensa ng desisyon ng Kongreso ukol sa pagpapasara ng pinakamalaking brodkaster ng Pilipinas para ipilit na ang pagtigil ng operasyon ng ABS-CBN ay sa katunayan nabalam ng husto dahil noong una pa man ay lumabag umano ito sa batas.
Sinabi pa ni Cayetano na hindi raw ang gobyerno ang nagpasara sa ABS-CBN kundi ang pagiging ‘fast and loose’ ng mga may-ari nito sa ating mga batas sa nakalipas na mga dekada, kaya hindi nga naiwasan pa ang pag-shutdown ng television network.
Idinagdag pa ni Cayetano na dapat pa ngang purihin ang kanyang kaalyadong si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-alis sa ilang mga indibiduwal ng tinatawag na mga ‘entitlements and privileges’ na tinangkang palabasin na sila ay “mga biktima at bayani ng (nasabing) epiko.”
Parehong binatikos ng mga Pinoy ang kalalagda pa lang na Anti-Terror Law at ang desisyon ng Kongreso na ipagkait ang prangkisa ng ABS-CBN, na dahilan para mawalan ng trabaho ang libu-libong manggagawa. Subalit hindi nakakagulat ang hatol ng Kamara de Representante, dahil nga sa hinayag naman nina Duterte at Cayetano ang kanilang personal na pagtutol sa pagkakaloob ng renewal sa lisensya ng media company.
Ipinilit pa ng House Speaker na kung sisiyasatin lang ng publiko ang mga kaganapan—habang kaiba sa wangis—magkahalintulad ang kanilang mga biktima—ang mamamayan. At ang mga aksyon ng Kongreso kaugnay nito ay nakatuon sa pagresolba ng nasabing mga ‘fundamental injustice’.
Dangan nga lang ay kung tunay ngang naging ‘fast ang loose’ ang ABS-CBN sa paglabag sa ating mga batas sa nakalipas na mga dekada, aba’y hindi ba ‘faster and much more loose’ ang ating pamahalaan sa pagkakabulag nito sa mga paglabag at kamalian ng television network sa kabila ng pinagyayabang na seguridad na binibigay umano ng ating mga batas na dapat sana’y nagprotekta sa interes ng sambayanan.
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!