Advertisers

Advertisers

Covid-19 update: 16 namatay; 388 gumaling; 1,874 bagong kaso

0 308

Advertisers

PUMALO na sa mahigit 85 libo ang naitalang covid cases sa bansa sa pinakahuling ulat ganap na alas-4 ng hapon ng Miyerkules, Hulyo 29, kung saan naitala rin ang pinakabatang nasawi sa virus na isang 7-araw na gulang na sanggol.
Ito ay ilang araw pa bago matapos ang buwan ng Hulyo na ibinigay na babala ng ilang UP experts na aabot ng 85 libo ang covid cases sa bansa pagsapit ng katapusan ng buwan.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health, umakyat na sa 85,486 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa.
Ito ay matapos silang makapagtala ng 1,874 na mga bagong kaso ng virus infection.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 728 new cases.
Sinundan ng Cebu na may 325 new cases, Laguna na may 130 new cases, Iloilo na may 67 new cases, at Rizal na may 53 new cases.
May 388 naman na bagong naitalang nakarekober mula sa virus.
Dahil dito aabot na ngayon sa 26,996 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa covid-19 sa bansa.
May 16 naman ang naitalang nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa 16 na nasawi, 6 ay namatay ngayong Hulyo, 6 noong Hunyo, 3 noong Mayo at 1 noong Marso.
Sa ngayon, umakyat na sa 1,962 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa covid-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)