Advertisers
ARESTADO ang 27-anyos na barangay tanod matapos mahulihan ng shabu malapit sa riles ng PNR sa Sampaloc, Maynila nitong Martes.
Kinilala ang nadakip na si Terencio Palo, barangay tanod sa Barangay 422.
Sa report, nakuha sa tanod ang shabu na may bigat na kalahating gramo na nasa P2,000 ang halaga.
Nasa kustodiya na ng Sampaloc Police ang barangay tanod na tumanggi nang magbigay ng pahayag. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)