Advertisers

Advertisers

1,286 na COVID-19 cases sa Muntinlupa

0 428

Advertisers

PUMALO na sa 1,286 kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.
Batay sa datos kahapon ng Muntinlupa City government, sa nasabing bilang ay 643 ang active cases ng COVID-19.
Umabot narin sa 1,009 ang bilang na itinuturing na probable case at 676 naman ang suspected cases ng virus mula sa mga Brgy ng Tunasan, Poblacion, Putatan, Alabang, Ayala Alabang, Cupang, Buli, at Brgy. Sucat sa lungsod.
Samantala, umabot na din sa 570 mga pasyenteng gumaling mula sa virus, habang nasa 73 ang binawian ng buhay. (Gaynor Bonilla)