Advertisers

Advertisers

“WAG KUMAIN NG SABAY-SABAY, LIMIT YOUR SOCIAL INTERACTION’

Apela ni Yorme sa working Manilans:

0 365

Advertisers

“WAG kumain ng sabay-sabay and limit your social interaction.”

Ito ang apela ni Mayor Isko Moreno sa mga residente ng Maynila na unti-unti ng nagbabalikan sa kanilang trabaho, kaugnay na rin ng ulat na ang dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga manggagawa ay dahil na rin sa sabay-sabay na pagkain nito at madalas na pakikipagtsikahan sa isa’t-isa.

“Tayong mga Pilipino sanay kumain ng sabay-sabay. Matuto na po tayong mamuhay sa workplace ng tayo lang mag-isa. Kung di rin lang kapaki-pakinabang ang sasabihin natin sa kapwa, ‘wag na tayo mag-usap-usap muna and go home straight,” ayon kay Moreno.



Pinaalalahanan din ni Moreno ang mga kabataan na tumigil na sa kalalabas ng bahay kung saan exposed sila sa virus at dadalhin pa ito sa kanilang sariling bahay upang makapanghawa ng matatanda.

“”Wag kayong magbarkadahan sa kalsada, ‘wag mag-mall. Di ba kayo nababagabag na tayo ay makakapaminsala sa ating mga magulang o lolo, lola nating me edad na naghihintay sa atin sa bahay dahil tayo ang may dala ng virus. Stay home as much as possible. Iwasan ang laro-laro, barka-barkadahan sa kalsada,” giit ni Moreno.

Maging sa kaso ng mga city-run hospitals, sinabi ni Moreno na inulat sa kanya ni Vice Mayor Honey Lacuna, na siyang in charge sa mga ospital na marami sa hospital staff na na-infect ng virus ay hindi mga doctors o nurses na exposed sa COVID patients sa araw-araw kundi administrative staff na nagtatrabaho malayo sa mga pasyente o maging behind the scenes.

Ito ang kinumpirma ng dalawang hospital directors na nagsabi na ang mga staff na ito ay madalas na binabalewala ang paalala ng ospital at sabay-sabay pa rin kumakain.

Dahil kumakain ay tinatanggal ang face masks at ginugugol ang natitirang oras sa daldalan habang magkakatabi at magkakaharap.



Isa pang direktor ng ospital ang nagpahayag ng kalungkutan kaugnay ng isang post sa social media ng ilang hospital staff na ipinapakita ang pagpunta nila sa mall, pagkain nang walang social distancing at tahasang pagpapakita ng hindi pagtugon sa health protocol samantalang sila dapat ang maging modelo at magpakita ng ehemplo. (ANDI GARCIA)