Advertisers

Advertisers

“Tumulong na lang kayo sa mga LSIs” – Sen. Go

0 324

Advertisers

“SA halip na batikusin ang organizer, tulungan na lamang silang makauwi sa mga lalawigan.”

Ito ang panawagan ni Senador Christopher “Bong” Go para sa mga Locally Stranded Individuals na nagsisiksikan sa Rizal Memorial Complex.

Sinabi ni Go na nakakaawa ang sitwasyon ng mga LSIs na tanging gusto lang naman ay makauwi sa kanilang lalawigan.



Ayon kay Go, nabalitaan niyang walang masilungan ang mga LSI nang umulan kaya naman nanawagan siya sa national government na tulungan ang mga ito kasabay ng panawagan na dapat mahigpit pa rin sundin ang mga health protocols.

Nilinaw din ni Go na inisyatiba ng iba’t ibang ahensiya ng national government ang pagtulong sa mga LSIs na makauwi sa kanilang lalawigan base sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dagdag pa ni Go, maging siya ay tumutulong din sa iba pang LSIs dahil nakakaawa ang kalagayan ng mga ito. (Mylene Alfonso)