Advertisers
TURNING 17 years old na ang panganay ni Ruffa Gutierrez na si Lorin Gabriella sa August 3.
Sa socmed post ni Ruffa sa photo ng panganay, marami ang napa-wow sa photo ni Loren na naka-bikini na mga showbiz friend nito.
Never na nga mapipigilan ang pagiging dalaga ni Lorin.
Kahit nga si KC Concepcion eh nag-comment sa napakagandang photo na post ni Ruffa, “She’s a woman.”
Sinagot naman ito ni Ruffa, “Nonono baby ko pa rin siya.”
Habang nagdadalaga nga si Lorin eh nakikita naman ng netizens na susundan nito ang yapak ng ina.
Matatandaan na naging Bb. Pilipinas World 1993 si Ruffa at sa taon din yun eh kinoronahan siya na second Miss World.
Kaya hindi nga raw malayo na tahakin din ni Lorin ang narating ng kanyang mommy Ruffa sa pagiging beauty queen.
***
Abogado niresbakan ng follower ni Angel Locsin
MARAMI ang hindi makapaniwala na may post daw ang abogado at pati siya eh may kuda kung bakit nanaba nang tuluyan ang itinuring na Darna sa pagtulong na si Angel Locsin.
May serye raw kasi ito sa Kapuso na Lobo kaya tuluyang lumobo si Angel.
Hindi naman nagsayang ang mga follower ni Angel na bago raw mamintas ang nasabing lawyer eh look daw muna nito ang sarili.
Pero kilala ang abogado na malapit sa showbiz people kaya hindi sila makapaniwala na nag-post ito ng pamimintas kay Angel
Dagdag pa ng follower ni Angel na nakisawsaw lang daw ito o nag-iingay dahil may movie ito na ipalalabas.
Huwag na nga raw gamitin si Angel at mag-ingay para sa pelikula nila. Tumulong na nga lang daw ang abogado na ito tulad ng ginagawa ni Angel kaysa mamintas.
Hmmmp…Well, well, well…’Yun na! –(Jovi Lloza)