Advertisers

Advertisers

Presidente ng Tau Gamma Phi, sugatan sa pamamaril

0 379

Advertisers

SUGATAN ang presidente ng local chapter ng isang fraternity nang barilin sa ulo ng ‘di nakikilalang salarin Lunes ng gabi sa Binondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Rolito Funelas, 29, pangulo ng Tau Gamma Phi- Parola Community Chapter at residente ng Gate 54 Area C sa Binondo.

Ayon sa ulat, inilarawan ang salarin na may taas na anim na talampakan, katamtaman ang katawan, nakasuot ng itim na pantalon, itim na hoody jacket at facemask.



Sa report, 7:40 ng gabi nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng biktima kungsaan kapaparada pa lamang nito ng kanyang motorsiklo nang barilin siya sa ulo.

Isinugod ang biktima sa Jose Reyes Memorial Hospital kungsaan kasalukuyang inoobserbahan.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang krimen. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)