Advertisers

Advertisers

Pagpatay sa hepe ng ncmh, kinondena ng CBCP

0 347

Advertisers

“OFFENSE against humanity ang pagpatay sa National Center for Mental Health (NCMH) na si Medical Chief Dr. Roland Cortez”.

Ito ang naging pahayag ni CBCP Episcopal Commission on Health Care Vice-chairman at Military Ordinariate Bishop Oscar Jaime Florencio kaugnay sa pagpatay sa kay NCMH Chief Cortez at sa kanyang driver na si Ernesto Dela Cruz nitong Lunes ng umaga sa Tandang Sora, Quezon City.

Tinawag ni Bishop Florencio na “crime against humanity” ang pagpatay dahil higit na kailangan ang pagtugon sa mental health ng mamamayan na nahaharap bansa sa krisis bunsod ng coronavirus disease 2019 pandemic.



Ayon sa Obispo, nakakagulat na may mga medical frontliners ang nagiging biktima ng karahasan sa gitna ng pangkalusugang krisis.

Hinikayat rin ng Obispo ang mga Filipino na ipagdasal ang mga nasawi at ang mga nagkasala upang kanilang isaalang-alang ang mas malaking epekto ng kanilang mga desisyon.

Una nang nagpahayag ng pagka-alarma at pagkabigla ang Department of Health (DOH) sa pagpatay sa doktor at driver nito. (Andi Garcia)