Advertisers
APRUB kay Justice Secretary Menardo Guevarra ang muling pagbuhay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection.
Ayon kay Sec. Guevarra, ok sa kanya ang naturang parusa lalo na sa mga convicted drug dealers at plunderers.
Naniniwala ang kalihim ang naturang mabigat na parusa ay magiging solusyon para mapababa ang mga serious crimes.
Sa pamamagitan din umamo ng parusang kamatayan ay magdadalawang isip na ang mga kriminal na gumawa ng mga karumal-dumal na krimen.
Dagdag ng kalihim, malinaw din umano sa Saligang Batas na puwede nitong atasan ang Kongreso na magpatupad ng death penalty dahil sa mga compelling reasons gaya ng mga heinous crime.
Nitong Lunes nang muling buhayin ng Pangulong Durterte sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) ang death penalty sa pamamagitan ng lethal injection. (PTF team)