Advertisers

Advertisers

Malacañang umalma sa komento ni Sen. Drilon na palpak ang admin vs COVID

0 366

Advertisers

Hindi matanggap ng Malacañang ang komento ni Sen. Franklin Drilon na palpak ang pamahalaan sa laban kontra covid-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi siya sang-ayon sa pahayag ni Drilon dahil sa katunayan ay napagtatagumpayan pa ng gobyerno ang laban sa covid-19.

Isa umano sa mga patunay na hindi palpak ang gobyerno ay hindi naabot ang forecast ng University of the Philippines (UP) na aabot sa 350,000 ang tatamaan ng covid-19.



Bagama’t mataas ang bilang ng nagkakasakit sa bansa ay nanatili pa rin itong kontrolado at hindi masyadong dumami ang tinamaan ng sakit.

“Kayo na nasa Oposisyon, ang laban sa covid pandemic ay hindi na dapat hinahaluan ng pulitika,” ani Roque.

Nauna nang sinabi ni Drilon na “failed” ang pamahalaan sa pag-aksyon sa covid-19. (Jonah Mallari)