Advertisers

Advertisers

Health records ni Duterte hirit sa SC

0 332

Advertisers

NAG-FILE ng motion for reconsideration o MR ang abogadong si Atty. Dino de Leon sa Korte Suprema, patungkol sa nauna ng petisyon nito na humihirit na mailabas ang health records ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaan na ibinasura ng Mataas na Hukuman ang petition for mandamus ni de Leon, na inihain noong Abril.

Sa naturang petisyon, nais ni de Leon na utusan ng Korte Suprema ang opisina ng presidente na isapubliko ang umano’y “serious illnesses’ ni Pangulong Duterte, alinsunod sa obligasyong nakasaad sa Konstitusyon.



Sa mosyon, ayon kay de Leon ay may ilang sakit ang pangulo gaya ng Buerger’s disease at muscle disease na Myasthenia Gravis.
Pero, hindi ito pinagbigyan ng Korte Suprema.

Sa kanyang inihaing MR, humihirit si de Leon sa Korte Suprema na irekunsidera ang pasyang ibasura ang kanyang petisyon.

Hinihiling din ni de Leon sa Korte Suprema na magtakda ng oral arguments para sa naturang kaso.
Paliwanag ni de Leon, mahalaga ang usapin sa kalusugan ng presidente.

Dapat din daw na malaman ng mga Pilipino ang tunay na estado ng kalusugan ng pangulo. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">