Advertisers

Advertisers

Covid-19 update: 4 namatay; 173 gumaling; 1,678 bagong kaso

0 320

Advertisers

Nasa 83,673 na ang tinatamaan ng sakit na COVID-19 sa buong bansa kung saan nakapagtala kahapon ng karagdagang 1,678.

Sa nasabing kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso, umabot naman sa 55,109 ang aktibong kaso.

Sa bilang ng karagdagang kaso ngayong July 28, sinabi ni Usec Maria Rosario Vergeire na ito ay ang isinumite ng 81 mula 91 licensed laboratories sa bansa.



Nasa 173 naman ang nadagdag sa mga recoveries kung saan umabot na sa 26,617 ang mga gumagaling sa sakit.

Habang 4 naman ang nadagdag sa mga pumanaw sanhi para umabot na sa 1,947 ang mga namamatay sa sakit.

Ayon kay Vergeire, ang case fatality rate ay nasa 2.33 percent.

Sa deaths, dalawa ang nangyari ngayong July habang dalawa naman noong June.

Galing naman sa Region 7 ang dalawa sa mga pumanaw habang ang dalawa naman ay mula sa National Capital Region o NCR.



Sa datos, nasa edad na 32, 47, 60 at 80 ang mga pumanaw. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)