Advertisers

Advertisers

Aljur ‘di na nga magaling, ‘di pa naging mabuti

0 323

Advertisers

PINOST ni Ogie Alcasid ang lumabas na fake news  sa kanyang  pagkamatay na lumabas sa TimelineUpdatesVibes. Blogspot.com  ang “Breaking  News Ogie Alcasid  Natagpuang  Patay  sa Mismong  Loob ng Kanyang  Sasakyan.”

“Pls   do  not  believe this. It is #fakenews I did not want to show the name of the person who posted  it  but I  just  want  to  inform  everyone  that  I  am  ok.  Magmahalan  naman po tayo,”  pahayag  ni Ogie.

Pinost  din ni Regine Velasquez ang same fake news at kanyang sinabi  na, “Bakit  naman  kailangan  gumawa  ng  ganitong balita. Alam namin  at  tanggap  na namin  na parte  ng  aming buhay  ang pag-usapan kami  mahirap  pero  kasama  talaga  ito  sa  trabaho namin.



“May  pamilya  po kaming  maaaring  mag-alala  kung  ito ay mabasa  nila. Kaya pakiusap  po  wag  naman. To our families and friends  this is  a fake news Ogie is  home safe  and healthy. God bless po.”

Ang grabe pa ay ginamit  pa ng damuhong  walang magawa ang Balitang Tanghali  ng GMA News  ang naturang fake news. Alam naman ng  lahat  na galing sa Kapuso Network ang mag-asawang Ogie at Regine. Naging  isyu  nga  sa ibang GMA fans  ang pag-alis ng dalawa sa network para lumipat  sa ABS CBN.

Natural  lang na marami ang nagalit sa ginawa ng taong nasa likod  ng  fake news. Matatandaan na may fake news din na lumabas  sa ilan artista na pinatay ay sina Rustom Padilla, Ai Ai delas Alas, Kim Atienza at ang latest nga ay si Michael V.

Sana  ay mahuli na ang taong nasa likod  ng  pagbabalita  ng  fake news.

***



“Hindi   ka  na  nga  magaling. Sana  naging  mabuti  ka  na lang,”  banat ni Ms Keiko  Aquino., ABS CBN  head writer sa naging pahayag ni Aljur Abrenica  nang  tanungin  sa problema  ng franchise ng kanilang network.

Ang sagot kasi ni Aljur nang tanungin kung bakit siya nanahimik at hindi nagsalita sa pagbabasura ng  franchise  ng Kapamilya Network.

“Hindi  naman sa hindi  ako  vocal.  Actually , pro-franchise po ako. Siyempre  ABS CBN is my mother network  now. Marami  rin silang naitulong  sa akin. Pero  it`s  beyond me. Ibig sabihin, their  fight  is  their  fight.”

From GMA 7 ay nag-ober da bakod si Aljur sa ABS CBN. May usap-usapan na hindi rin raw pang best actor ang acting  ng mister ni Kylie Padilla.

Well, may  nakatakdang  movie  si Aljur  na Mamasapano kasama si Edu Manzano. – (Gerry Ocampo)