Advertisers

Advertisers

‘Wait is over’ PBA, PFF puwede na magpraktis

0 354

Advertisers

MATAPOS ang halos limang buwan, muling ipagpapatuloy ng professional basketball, at football teams ang kanilang training, basta’t susundin lang ang mahigpit na panuntunan sa health at safety protocols.
Ito ay matapos lagdaan ng Department of Health, Philippine Sports Commission at Games and Amusement Board (GAB) ang Joint Administrative Order (JAO) kahapon.
Sports na regulated lang ng GAB, gaya ng professional basketball, football, boxing, mixed martial arts, at muay thai, ang puwedeng magsimula uli ng training.
Ang Inter-Agency Task Force (IATF) ay inaprubahan ang protocols na isinumite ng Philippine Basketball Association (PBA) at ng Philippine Football Federation, (PFF) noong July 3, pero ang organization ay kailangan ang JAO bago ibigay sa teams ang green light.
“Finally, the wait is over. The JAO has been signed,” wika ni GAB chairman Abraham Mitra sa kanyang pahayag.