Advertisers

Advertisers

Ruru pinalagan ang basher, tinawag na tuyot na ang syotang si Bianca

0 373

Advertisers

TODO ang pagtatanggol ng Kapuso actor na si Ruru Madrid sa kanyang girlfriend na si Bianca Umali sa bashers at body shamers.

Kamakailan kasi, may na-upload na photo ni Bianca na pinagtripan ng ilang netizens.
Bumuwelta naman si Ruru sa mga banat sa kanyang dyowa.

Sa isang komento, ipinahayag nito ang pagkadismaya sa pagiging judgmental ng mga tao lalo na ng mga kapwa Pilipino.



Aniya: “I dont know what’s wrong with people right now? Parang ang dami laging opinyon ng mga tao. Sa totoo lang mas masakit na kung sino pa yung mga kababayan o di kaya mga kalahi natin sila pa yung nagdo-down sa atin. Sana wala ng ganun, sana sinusuportahan nalang natin ang isa’t isa.”

May isa pang basher na nagkomento na mukhang tuyot na si Bianca at nilaspag ni Ruru.
Hindi ito pinalampas ng actor at tinawag na bastos ang nasabing basher.

Hindi pa rin nagpaawat ang basher at sinabing pangit mag-alaga ang actor ng nobya dahil nagmukhang kalansay ito.

Tugon ni Ruru, walang sinuman ang may karapatang magsabi kung ano ang maaaring gawin ng isang tao sa kanyang katawan.

Aniya, “sigurado ka dyan? Brad katawan nya yan, kung gusto nya magpapayat o magpalaki na sa kanya na yun labas na ako dun kasi labas na ako dun at dapat ganun ka din.



“Kesa yung kumikilatis ka ng katawan ng ibang tao kilatisin mong maigi yung sarili mo brad. Dami na naghihirap sa mundo ganyan ka pa din. Baguhin mo na ugali mo!”

Ilang netizens naman ang pumanig kay Ruru.

May nag-suggest naman sa binata ng kasuhan ng cyberlibel ang nabanggit na netizen.

As of this writing, hindi pa pormal na inaamin nina Ruru at Bianca ang kanilang relasyon pero hindi naman ito maikakaila sa kanilang mga post together. – (Archie Liao)