Advertisers

Advertisers

Pulis bulagta sa pamamaril

0 357

Advertisers

BUMULAGTA ang isang Police Non Commission Officer (PNCO ) nang pagbabarilin ng di nakilalang gunman sa Barangay Bayanihan, Gapan City, Nueva Ecija nitong Sabado, Hulyo 25.
Ayon sa report na nakara-ting kay Nueva Ecija Provincial Director, Police Col. Leon Victor Rosete, kinilala ang biktima na si Pat Ritz Batungbakal, nasa hustong gulang, may asawa, at residente ng Barangay Bayanihan, Gapan City.
Sa ulat, 9:40 ng gabi nang mangyari ang pamamaril.
Ayon sa report, off duty ang pulis nang maganap ang insidente at kasalukuyan umanong nasa inuman nang sumulpot ang gunman at pinagbabaril ang biktima.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang gunman.
Dead on arrival sa Good Samaritan Hospital,ang biktima.
Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen. (PFT team)