Advertisers

Advertisers

‘Pandemic na ang katiwalian sa PhilHealth’

0 366

Advertisers

HALATANG ‘di nag-iisip o tinatamad nang asikasuhin ng organizers ng “Hatid Tulong” program ang locally-stranded individual (LSI) na hinakot sa Rizal Football Stadium sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Vito Cruz, Manila, habang naghihintay ng biyahe pa-punta sa kani-kanilang probinsiya sa Visayas at Mindanao
Ang Hatid Tulong ay programa ng gobierno para sa LSIs na naabutan ng lockdown sa Metro Manila bunga ng pandemya ng covid ‘19. Ang organizer nito ay si Joseph Encabo, opisyal mula sa Presidential Management Staff (PMS).
Ang libu-libong natipon na LSIs sa football stadium ay inaalalayan sa pagkain ng DSWD at Office of the President. Its good!
Ang hindi lang maganda rito ay pinabayaan nang magsiksikan ang LSIs, walang physical distancing, maraming ‘di nagsusuot ng facemask. Kaya delikadong magkahawaan ng covid ‘19 kapag isa sa mga ito ay infected at madadala nila sa probinsya ang virus. Patay!
Napakalaki ng Rizal Memorial Sports Complex (RSC). Kung puno na ang football stadium, ilipat nila ang iba sa Ninoy Aquino Stadium, Rizal Memorial Stadium, Philippine Sports Commission Tennis Center at iba pang pasilidad sa loob ng napalakawak na sports complex.
Dapat iniiskedyul ng Hatid Tulong organizers ang pagpunta ng LSI sa RSC, kung kailan ang araw ng alis ng mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na naghahatid sa mga ito sa VisMin para hindi tumambak ang LSIs sa complex. Mismo!
***
TILA pandemic na raw ang korapsyon sa PhilHealth, sabi ni Atty. Thorrsston Montes Keith.
Si Atty. Keith ang legal officer ng anti-fraud office ng PhilHealth na nag-resign kamakailan kasama ang dalawa pang opisyal dahil sa hindi na anila masikmura ang grabeng katiwalian sa ahensiya.
Si Atty. Keith ay kasalukuyang nagtatago dahil sa pangambang ipapatay siya ni PhilHealth Gen. Manager Ricardo Morales, isang retired military general, matapos niyang ibunyag ang “grabeng katiwalian”.
Sinasabing nasa P154 billion ang missing sa P221 billion pondo ng PhilHealth.
Ang nangyayari raw kasi dito, sabi ni Atty. Keith sa interview nina Arniold Clavio at Ali Sotto sa radio DZBB, nagrerelis ng pondo ang PhilHealth ng walang liquidations. Binibigyan daw ng pondo ang mga ospital kahit ‘di ito accredited ng PhilHealth o kahit may kaso pa sa ahensiya.
Isinawalat din ni Atty. Keith na inutusan siya ni GM Morales para kausapin si PACC Commissioner Grego Belgica para huwag diinan ng huli ang imbestigasyon sa katiwalian sa PhilHealth.
Kabilang sa mga isyu ng katiwalian sa PhilHealth ang interim reimbursement mechanism, pagpeke sa reciepts at overpriced PPEs.
Sabi ni Atty Keith, handa siyang humarap sa Senate inquiry kapag pinatawag siya ng mga senador.
Kaagad ding sumagot si GM Morales sa mga akusa-syon ni Atty Keith. Handang handa raw siya humarap sa imbestigasyon.
Say naman ni Senador Ping Lacson, kailangan may makulong sa mga mandarambong sa PhilHealth.
Pinaiimbestigahan narin ni Pangulong Rody Duterte ang nasabing napakalaking katiwalian.
Abangan!