Advertisers

Advertisers

NBA: Indiana nasilat ang Mavs sa tuneup games

0 379

Advertisers

NAGPASIKAT si Myles Turner sa kanyang unang laro sa NBA Bubbles upang buhatin ang Indiana Pacers sa 118-111, wagi laban sa makupad na Dallas Mavericks sa tuneup game kahapon sa Florida.

Ang 24-anyos forward, na nakaupo sa unang scrimmage laban sa Portland Trail Blazers dahil sa calf bruise, ay umiskor ng 15 points para sa ikalawang wagi ng Pacers sa sindaming tuneup games.

Nag-ambag si TJ Warren ng 20 points, habang si Malcolm Brogdon bumakas ng 17 points.
Victor Oladipo nagsalpak ng tatlong three-pointers sa mabilis na rally ng Pacers sa second half at nagtapos ng 16 points.



Luka Doncic nagtala ng triple-double na 20 points, 11 rebounds at nine assists para sa Dallas.
Ang susunod na makakaharap ng Pacers ay ang San Antonio Spurs bago ang kanilang unang official game ng NBA restart kontra Philadelphia 76ers sa Sabado.

Samantala, ang Dallas ay makakatuos ang Philadelphia bago makasagupa ang Rockets sa Biyernes sa kanilang unang sabak sa seeding games.