Advertisers

Advertisers

FREE COVID MOBILE SEROLOGY TESTING SA BRGY – ISKO AT HONEY

0 538

Advertisers

MATAPOS ang matagumpay na paglulunsad at pagbubukas nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ng libreng drive-thru at walk-in COVID testing center ay panibagong paglulunsad naman ang ginawa ng tandem ng Maynila sa pamamagitan ng pagdadala nito ng bagong Mobile Serology Testing sa dalawang barangay kung saan naiulat ang mataas na insidente ng COVID-19.
Ang paglulunsad ng libreng Mobile Serology Testing ay ginawa sa Brgy. 97 sa ilalim ni Ch. Guillermo Saldana sa Nepomuceno St., Velasquez, Tondo District 1 at Brgy. 836 sa ilalim ni Paulino Soberano sa Peter Paul Pandacan (dating Pandacan Oil Depot) sa District 6.
Ginawa sa nasabing barangay ang random testing ng may 100 indibidwal na sinimulan sa mga direct contacts ng mga nagpositibo sa COVID.
Ayon kay Moreno, ang mobile clinic ay mag-iikot sa lungsod upang magbigay ng libreng COVID serology testing sa mismong tarangkahan ng mga taga-Maynila.
Binigyang diin ni Moreno na ang Serology tests ay hindi rapid tests dahil ito ay mas accurate at katanggap-tanggap ang resulta.
Sa Serology testing, ang sample ng dugo ay kinukuha sa magpapasuri at ia-analyze sa makinang Architect i1000 SR na may 99.6 percent na specificity at 100 percent sensitivity.
Inanunsyo rin ni Moreno na bumili na ang pamahalaang lungsod ng Architect i2000 na may double load capacity. Ang mga makinang ito ay gawa ng Abbott na siyang nangunguna sa paglikha ng maasahan at mapagkakatiwalaang medical laboratory machine sa daigdig.
Ang dalawang drive-thru at dalawang walk-in free COVID testing center na kalulunsad at kabubukas pa lamang ay gumagamit din ng nasabing makina. (Andi Garcia)