Advertisers

Advertisers

DIREKTOR NG MENTAL HOSPITAL, 1 PA PATAY SA AMBUSH

0 475

Advertisers

PATAY ang isang duktor na opisyal ng mental hospital at isang empleyado nito nang tambangan sa may bahagi ng Cassanova Drive St. corner Tandang Sora Avenue, Barangay Culiat, Quezon City Lunes ng umaga, Hulyo 27.
Kinilala ang 2 biktima na sina Dr. Roland Luyun Cortes, 61, director ng National Center for Mental Health (NCMH); at Ernesto Ponce Dela Cruz, empleyado ng NCHM sa Mandaluyong City.
Base sa ulat, pasado 7:00 ng umaga nang maganap ang pananambang sa kahabaan ng Tandang Sora Avenue.
Ayon sa report, sakay ang mga biktima ng pulang Toyota Vios na isang government vehicle (DAZ 3464) at binabagtas ang nasabing daan nang tabihan sila ng rider at walang habas na pinagbabaril ang da-lawa sa loob ng sasakyan.
Mabilis na tumakas ang mga salarin pagkatapos ng pa-mamaril.
Agad na nasawi ang mga biktima bunsod narin sa tinamong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.
Nabatid na noong July 15, 2019 ay naghain ng reklamo si Dr. Cortes sa Office of the Ombudsman laban sa isang opisyal ng NCMH dahil umano sa iregularidad sa pag-award ng proyektong ektensiyon ng NCMH’s Pavilion 6 sa Octant Builders.
Patuloy naman ang pagsisiyasat ng mga pulis sa pangyayari para malaman ang tunay na motibo sa pamamaslang sa mga biktima.
Tinuligsa ng Department of Health ang pamamaraan ng pagpatay laban sa healthcare workers lalo na ngayong panahon ng pandemiya.
Samantala, ayon sa inilabas na pahayag ng DOH, ikinagulat at ikinaalarma ng kagawaran ang ginawang pananambang kay Cortez at driver nito.
Sa kanilang pahayag, nagpahatid narin ng pakikiramay ang buong kagawaran sa pamilya ni Dr. Roland at Ernesto at humihingi ng hustisya para sa kanilang pagkamatay.
Ayon sa DOH, isang respetadong lider si Cortez na naghangad na tratuhin ang mga kliyente ng may sukdulang dangal.
Nakipag-ugnayan narin ang DOH sa mga awtoridad at PNP-CIDU upang matiyak na ang mga salarin ay maparusa-han ng batas. (Ernie dela Cruz/Boy Celario/Jocelyn Domenden)