Advertisers
UMAKYAT na sa 82,040 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 1,657 na mga bagong kaso ng virus infection.
Sa bilang na ito ay 756 ang fresh cases habang 901 naman ang late cases.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula parin sa National Capital Region na umabot sa 1,017 new cases.
Sinundan ng Laguna na may 89 new cases, Cavite na may 38 cases, Cebu at Rizal na kapwa may 31 cases.
May 359 naman na bagong naitalang nakarekober mula sa virus.
Dahil dito, aabot na ngayon sa 26,446 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa covid-19 sa bansa.
May 16 naman ang naitalang nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa 16 na nasawi, 14 ay namatay ngayong Hulyo, 1 noong Hunyo, at 1 noong Mayo.
Walo sa mga nasawi ay mula sa Region 7, pito naman mula sa NCR, at isa ang mula sa Region 12.
Sa ngayon, umakyat na sa 1,945 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa covid-19.
Inulat naman ng DOH na may 65 silang inalis mula sa kabuuang bilang ng covid-19 cases sa bansa na kanilang iniulat. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)