Advertisers

Advertisers

BUREAU OF CORRECTIONS, MAY HIMALA!

0 483

Advertisers

Patok na patok ngayon ang Bureau of Corrections mga dear readers, hindi lamang sa dyaryo ang laman ng himala nito kundi maging sa social media.
Maraming katanungan at hamon kay BuCor Chief Gerald Bantag kung paano ipapaliwanag ang pagkamatay sa covid-19 virus ng mga convicted drug lords sa bilangguan.
Unang tanong ng ilan ay kung sumunod ba sa covid-19 victims standard protocols ang bureau sa pagkamatay ng mga preso?
Bakit hindi ipinakita ng buo ang litrato kasama ang mga mukha ng mga namatay na drug lords?
Sumunod din ba sa mga protocols ng bilibid kung sa loob namatay ang preso? Ipinaalam ba agad sa mga pamilya o kamag-anak ng mga biktima kung ano ang sinapit ng kanilang mga mahal sa buhay?
Isa na nga dito ang kilalang kidnap for ransom convict na si Jaybee Sebastian, isa rin sya sa primary witness sa kaso ni Senadora Leila De Lima na may kinalaman sa kalakaran ng droga sa loob ng bilibid.
Totoo bang si Jaybee ang pinakitang larawan na namatay at agad na crinemate dahil sa sakit na covid-19?
Kung matatandaan mga dear readers may isang kaso rin ng covid-19 victims nitong Abril ang agad ipinaalam sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Dahil ang RITM din naman ang mag-aasikaso kung ano ang dapat gagawin sa mga namamatay na pasyente ng covid-19.
Ganito rin ba ang ginawa sa ilang high profile inmates na tinamaan ng covid-19 at bago pa ideklara na namatay sila?
Kaya samu’t saring mga post na ang lumalabas sa social media isa na rin ang mensahe ni Christian Albert Gaza aka Xian Gaza, ang tinaguriang “Pambansang Scammer ng Pilipinas” at miyembro ng Criminal Association of the Philippines o CRAP.
Ayon sa kanyang post sa social media, “Nais po naming ipabatid sa inyong lahat na hindi po kami shunga at huwag niyo po kaming scammin” lakas loob na sabihan nito ang BuCor na hindi sila tanga.
Ito’y dahil diumano yung kanyang tropa na pinalabas na pinatay sa New Bilibid Prison noong 2017 na ngayon ay buhay na buhay at kasabay pa nya itong lumabas ng bansa last 2018 gamit ang ibang pangalan at passport.
Sa madaling salita nuon pa may nangyayaring himala sa ating pambansang kulungan, kapalit ng malaking bayad para sa kalayaan.
Ipinangalandakan nya rin ang ginagawang bayaran umano sa halagang 25 milyon ng kanyang tropa upang makalaya.
Palalabasin lamang na namatay ka sa isang riot o sakit depende sa mga namamatay sa loob ng kulungan, kung baga sa pelikula ehh mala-face off ang datingan.
Gagamitin ang identity ng isang presong pumanaw sa loob at ang identity ng itatakas na preso naman ang ilalagay sa namatay.
Ayon pa sa ating mapagkakatiwalaang source marami na ang pinatay na pangalan sa loob ng bilibid na patuloy na namumuhay ng maayos ngayon gamit ang ibang pangalan.
Ang halaga ay depende sa kasong kinasangkutan ng taong gustong lumaya sa New Bilibid Prison.
Kaya dapat lang talaga imbestigahan ito hindi lamang ang mga kwestyonableng death certificate kundi pati na rin ang birth certificate kung paano nagawang baguhin ang pagkakakilanlan ng mga umano’y nakakalabas dito.
Hindi tayo panig sa mga convicted drug lords ang gusto lamang natin malaman ay ang katotohanan kung namatay ba o pinalaya.
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com