Advertisers

Advertisers

Ate Vi, ‘no to VP’ sa 2022; Sarah nalosyang nang mag-asawa?

0 386

Advertisers

SA kabila na matagal na rin sa pulitika ang nag-iisang Star for All Seasond na si Vilma Santos, dama pa rin ng mga fans na mas love pa rin nito ang showbiz.
Marami namang nagkukumbinsi kay Ate Vi na tumakbo for a higher position para sa next election.
Subok na kasi ang tunay at wagas na paglilingkod nito para sa kanyang mga kababayan.
Mula naman sa pagiging Mayor, Governor at Congresswoman eh humihiyaw ang mga kababayan nito para sa mas mataas na posisyon sa gobyerno.
Pero iisa lang ang sagot ni Ate Vi, maganda raw sanang kumbinasyon na Robredo-Recto sa 2022.
Kaso, “No politics ambition po,” ani Ate Vi sa isang panayam.
Marami namang nanghinayang na constituents sa hindi na nito pagtakbo sa mataas na posisyon sa darating na halalan.
Sa kabilang banda dahil naman sa pagpabor nito para sa prangkisa ng ABS-CBN eh natatakot daw ang mga fanatic na baka hindi ito mabigyan ng pondo para sa nasasakupang lugar.
At nag-aalala naman ang netizen na kung paano na raw ang mga proyekto nito sa kanyang  bayan kung iipitin at personalin ito sa pagpabor sa Kapamilya network.
Kahit matagal na rin itong public servant sa kanilang lalawigan sa Batangas eh ang showbiz world pa rin ang hanap nito na unang minahal.
***
KUNG niresbakan ni Ruru Madrid ang basher ng dyowa na si Bianca Umali dahil sa isyung losyang, ano naman kaya ang say ni Matteo Guidicelli sa pagsabi ng isang netizen na mula nag-asawa anya si Sarah Geronimo eh pansin na hindi na ito posturera.
Sa post kasi ng netizen sa Popstar eh may picture ito na glamorosa ang peg nito at nag-post din ng pics ni Sarah na walang kaayus-ayos kaya naikumpara at nasabi na nalosyang na ito
As in, mukha na raw itong losyang kaya may I tanggol naman ang isa sa avid fan ng AshMatt na talagang sinadyang humanap ang basher ng losyang picture ni Sarah.
Isinisi naman ng netizen ang pagiging losyang nito simula nga raw nang mag-asawa ito na wala nang kaayus-ayos sa sarili.
Ano kaya say ni Matteo sa pangba-bash ng netizen sa kanyang misis at inakusahang losyang na?
Well, well, well…Yun na! – (Jovi LLoza)