Advertisers
INARESTO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang apat na raliyesta habang sakay sa isang jeepney na paikot-ikot sa Quezon City Memorial Circle Lunes 8:00 ng umaga na may bitbit na bandila ng grupong Piston.
Ayon kay NCRPO Chief , M/Gen. Debold Sinas, ang hinarang na jeepney at mga sakay ay dinala sa Camp Karingal at sasampahan na kaukulang kaso.
Una nang sinabi ni Sinas na mahigpit na ipinagbabawal ang mga traditional jeepney sa kalye.
Nilinaw ni Sinas na hindi naman nila basta-basta arestuhin ang mga raliyesta sa Commonwealth kundi kanila muna ito idaan sa pakiusap na umalis sa lugar. (Boy Celario)