Advertisers

Advertisers

2 drug suspects patay sa buy bust ops

0 355

Advertisers

TODAS ang dalawang drug suspects matapos mauwi sa engkwentro ang buy bust operation ng mga otoridad sa Lucban, Quezon.
Kinilala ang mga nasawi na sina Rex Gomez Carubio alias Rex, 39, ng Espeleta St, Poblacion, Muntilupa City; at Philip Monillas Natividad, 44.
Sa ulat, nagsagawa ng anti-illegal drugs operation ang mga otoridad sa Diversion road, Barangay Kulapi, Lucban, Quezon.
Ayon sa report, matapos makabili ang poseur buyer ng isang plastic sachet ng shabu, napansin ni Carubio ang presensya ng mga otoridad kung kaya agad nitong binunot ang kanyang baril pero walang tinamaan. Gumanti ang mga otoridad at napatay ito.
Agad namang minaneho ng kasamahan ni Natividad ang Mazda 3 vehicle. Hinabol siya ng operating team at muling nagkaroon ng palitan ng putok ng baril at nasapul ang tulak. (PFT team)