Advertisers
PATAY ang isang miyembro ng New People Army (NPA), habang sugatan ang isang sundalo sa engkwentro sa pagitan ng militar at rebelde sa Sultant Kudarat.
Ayon kay BGen Wilbur Mamawag, commander 603rd Infantry Brigade, 5:55 ng umaga nang makaengkwentro ng elemento ng 37th Infantry Battalion ang may 20 rebelde sa Mt. Payong Payong, Baluan, Palimbang, Sultan Kudarat.
Nagpapatrulya ang mga sundalo nang masabat ang mga rebelde at nagkabakbakan.
Tumagal ang engkwentro ng ilang minuto bago tumakas ang mga rebelde sa iba’t ibang direksyon.
Sa clearing operation, narekober ng mga sundalo ang bangkay ng nasawing rebelde, 1 M16 rifle, bandolier at 6 magazines.
Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng nasawing rebelde. (Mark Obleada)