Advertisers

Advertisers

VP Leni hindi imbitado sa SONA ni Duterte, dadalo via online

0 410

Advertisers

Hindi makadadalo ng personal si Vice President Leni Robredo sa ika-5 na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.
Ito ang kinumpirma kahapon ng pangalawang pangulo sa kanyang weekly radio program, dahil imbitasyon para sa online viewing ng SONA lang daw ang ipinadala sa kanyang tanggapan.
“So iyon iyong pupuntahan ko. Ako naman, lahat na invitation, basta obligasyon pinupuntahan natin, except lang kung may conflict.”
“Ito namang SONA, talagang kinlear natin iyong schedule para dito, so dahil hindi naman ako imbitado physically na pumunta doon, sa Zoom mag-aattend ako, kasi obligasyon natin ito.”
Umaasa raw si VP Leni na gaya ng sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ay maghahatid ng malinaw na ulat si Duterte ukol sa recovery plan ng bansa sa COVID-19 pandemic.
Gusto rin daw marinig ng bise presidente ang report tungkol sa mga nagawa ng administrasyon mula sa huling SONA ng pangulo.
“Halimbawa iyong growth rate natin, talagang mababa ngayon. Iyong unemployment natin, talagang sobrang taas.”
“Maa-appreciate natin iyong recovery plan, pero ang problema kasi, patuloy pa rin iyong pagtaas ng kaso, so gusto nating marinig ano ba iyong plano natin para ma-arrest iyong pagtaas ng kaso.”
Sa mga nakaraang ulat bayan ng pangulo, personal na nagpunta si Robredo sa Kamara para dumalo.
Higit 50 inidibidwal lang ang inimbitahang pumasok sa session ng House of Representatives ngayong araw, kabilang na ang 30 mambabatas at isang miyembro ng gabinete. (PFT team)