Advertisers

Advertisers

Tulak bulagta sa buy bust

0 440

Advertisers

PATAY ang isang drug suspect nang manlaban sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa Tondo, Manila kamakalawa.
Kinilala ang napatay na si Ernesto Lledo alyas ‘Momok,’40, residente ng 1299 Almeda Street, Tondo.
Sa ulat, 2:35 ng hapon nang maganap ang insidente sa Yuseco Street, malapit sa kanto ng Yakal Street, Riverside, sa Tondo.
Nauna rito, nagkasa ng buy-bust operation ang mga awtoridad laban sa suspek na kabilang umano sa drug watchlist ng kanilang barangay at matagal nang pinagsasabihan ng barangay officials sa kanilang lugar na itigil na ang pagbebenta ng illegal na droga.
Nagtangka umanong tumakas ang suspek habang inaaresto at nanlaban pa sa mga awtoridad, sanhi upang mabaril ito.
Narekober ng mga awtoridad mula sa suspek ang isang revolver na may tatak na Smith and Wesston at walang serial number na may tatlong bala, 5 pakete ng 5 shabu at P500 na buy-bust money. (Andi Garcia)