Advertisers
MULING pinaalalahanan ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ang mga residente na magdoble ingat at sumunod sa ipinapatupad na health protocol gayundin sa mga umiiiral na batas ngayong panahon ng pandemya ng COVID-19.
Ang paalala ay bunsod sa patuloy na pagdami ng aktibong kaso ng naturang sakit sa nasabing lungsod kungsaan nangunguna ang lugar ng Tondo I at sumunod ang Sampaloc.
Batay sa pinakahuling datos ng Manila Health Department (MHD), umabot na sa 380 ang aktibong kaso sa Tondo I, habang nasa 212 ang naitala sa Sampaloc area.
Sa huling talaan ng MHD, nasa kabuuang bilang na 1,482 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Maynila, habang nakapagtala na ng kabuuan 2,510 bilang ang mga gumaling o nakarekober na sa nasabing sakit. Nasa 507 naman ang kabuuan bilang ng suspected case, habang umabot na sa 201 ang naitalang nasawi.
Pumalo naman sa kabuuang bilang na 4,193 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Maynila. (Jocelyn Domenden)