Advertisers

Advertisers

SONA mass protest sa labas ng UP campus aarestuhin

0 356

Advertisers

Hindi mag-aatubili ang Philippine National Police (PNP) na arestuhin ang mga indibidwal na magsasagawa ng malawakang kilos protesta sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasan Pambansa ngayong araw.
Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, mahigpit na ipatutupad ng mga pulis ang “no permit, no rally policy.”
Pero siniguro ni Banac, na piiralin pa rin ng pulisya ang maximum tolerance at hikayatin ang mga ibat ibang cause oriented groups na itigil na lamang ang kanilang kilos protesta.
Dagdag pa ni Banac kapag hindi pa rin nakukuha sa pakiusap ang mga raliyista, hindi magdadalawang isip ang mga pulis na ipatupad ang batas at aarestuhin ang mga lalabag sa batas.
Una rito, ipinag- utos ng Department of Interior and Local Government sa local government units na huwag issue ng permits batay sa health protocols bunsod ng Covid-19 pandemic na mahigpit ipinagbawal ang mass gatherings.
Mahigpit na ipinagbabawal ng mga otoridad ang pagsagawa ng rally sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Nasa 5,600 police personnel ang ipakakalat ng PNP sa SONA kasama na dito ang 59 personnel ng PNP Highway Patrol Group na magsecure sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.
Muli namang umapela ang PNP sa mga raliyista na gawing virtual na lamang ang kanilang kilos protesta para makaiwas na mahawaan ng Covid-19 virus.
Samantala, ayon naman kay NCRPO Chief MGen. Debold Sinas, hindi makikialam ang NCRPO sa mga raliyista na magsagawa ng kilos protesta sa loob ng UP campus.
Nilinaw naman ni Sinas, sandaling lumabas ng UP Campus ang mga raliyista dito na sila aarestuhin ng mga pulis. (PFT team)