Advertisers
TULOY pa rin sa kabila ng COVID-19 pandemic ang kilos protesta ng labor group na Kilusang Mayo Uno sa ika-5 na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.
Sa isang statement, sinabi ni KMU chairperson Elmer Labog, na tuloy pa rin ang martsa ng mga uring manggagawa.
Pero dahil may ipinatutupad ang pamahalaan na minimum health standards protocol dahil sa pandemya, magma-martsa raw nang hindi magkakadikit, naka-face mask at magdadala ng disinfectants ang mga magkikilos-protesta bukas.
Dagdag pa ni Labog, may mga kasama silang aktibista mula sa hanay ng health care workrs na magsisigurong ligtas at masusunod ng mga protesters ang patakaran.
Ilan sa mga issue na asahan daw na isisigaw ng KMU protesters bukas ay ang pagtutol sa nilagdaang Anti-Terror Law, panawagang Charter Change at “kamay na bakal” na responde sa pandemic. (Josephine Patricio)