Advertisers

Advertisers

Higit 21K inmates nakalaya na mula sa BJMP – DILG

0 457

Advertisers

Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nasa 21,858 ang kabuuang bilang ng Persons Deprive of Liberty (PDL) na nakalaya na ngayon mula sa karsel ng Bureau of Penology (BJMP).
Sa Laging Handa Briefing, sinabi ito ni Department of Interior and Local Government (DILG) spokersperson Jonathan Malaya.
Batay sa datos, pinalaya ang 15,102 dahil sa reduced bail, plea bargaining, parole at pagpiyansa.
Saad pa ni Malaya na may 180 aktibong kaso ng 2019 corona virus (COVID-19) kung saan nasa 82% ang recovery rate sa mga preso at 69%naman ang dinapuan sa mga tauhan ng BJMP.
Samantala, nanatili naman sa 1% ang COVID-19 death sa mga bilanggo at 0.56% sa mga personnel ng BJMP. (Josephine Patricio/Jonah Mallari)