Advertisers

Advertisers

DALAGANG FISH VENDOR PINAPASOK SA BAHAY, PINUPOG NG HALIK NG KOSTUMER

0 392

Advertisers

SWAK sa kulungan ang isang government employee matapos tadtarin ng halik ang isang 18-anyos babaeng fish vendor sa Valenzuela City.

Kasama ng biktimang itinago sa pangalang “Grace”, estudyante, ang kanyang ama habang naglalako ng panindang isda sa Martina St. 7:00 ng umaga nang tawagin ng suspek na si Ericson Brazas, 56.

Sinabihan ng suspek ang biktima na pumasok sa kanilang bahay sa Block 1, Barangay Coloong 1 dahil bibili umano ng isda ang kanyang asawa.



Sumunod naman si Grace sa pag-aakalang bibili ng isda ang misis ng suspek. Subali’t pagpasok niya sa loob ng bahay, bigla siyang niyapos ni Brazas at pinanggigilang pupugin ng halik ang leeg at pisngi.

Nagpumiglas ang dalaga at malakas na itinulak ang suspek bago nagtatakbong palabas ng bahay.

Agad na nagsumbong ang dalaga sa kanyang ama sa ginawa sa kanya ng suspek.

Mabilis na nagtungo sa himpilan ng Valenzuela City Police Sub-Station ang mag-ama, na nagresulta sa pagkakadakip kay Brazas. (PFT team)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">