Advertisers

Advertisers

Covid update: 39 namatay; 382 gumaling; 2,110 bagong kaso

0 420

Advertisers

Pumalo na sa mahigit 80 libo ang kaso ng COVID-19 sa bansa batay sa pinakahuling datos na inilabas kahapon ng Department of Health.
Sa datos, karagdagang 2,110 ang naidagdag sa mga kaso dahilan para umakyat na sa 80,448 ang kabuuan.
Ang nai-report na kaso ay galing sa 66 mula sa 90 current operational laboratories.
Mayroon namang 382 bagong recoveries sanhi upang maging 26,110 na ang mga gumagaling sa sakit sa bansa.
Karagdagang 39 deaths naman ang naiatala kaya umabot na sa kabuuang 1,932 ang COVID-19 related deaths.
Sa 39 na ito, 35 (90%) ay nangyari ngayong July, 2 (5%) noong June, at 2 (5%) noong April.
Mula naman sa NCR ang mga pumanaw na nasa 17 o 44%, Region 7 na nasa 14 o 36% at 2 o 5 % naman sa Region 4A, Region 9 na may 2 o 5% , Region 11 na 2 o 5% , Region 1 na may 1 o 3% at CARAGA na may 1 o 3%.
Nasa 74 duplicates naman ang tinanggal mula sa total case count.
Sa nasabing bilang, 22 ang nakarekober at 3 ang pumanaw ang inalis sa bilang.
Bukod dito, na-update rin ang mga kinalabasan ng tatlong (3) kaso.
Ang isa (1) ay naiulat na namatay ngunit na-update na nakarekober at dalawang (2) kaso ang naiulat na nakarekober ngunit na-update bilang pumanaw matapos ang validation at sila ay nakasama na sa bilang ng mga bagong deaths at recoveries.
Ayon sa DOH, ang nasabing mga numbero o bilang ay dumadaan pa sa paglilinis at validation. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)